Hinirang: Wika at Panitikang Filipino sa Makabagong Panahon (Ikalawang Edisyon) 9

AUTHORS: Rowena C. Largo Ed.D., Elsie T. Alvarado DA, PhD, Trina Marie A. Catipay DA, and Mae Ann Q. Gaihe Ed.D.
© 2025

Description

HINIRANG 9:
WIKA AT PANITIKANG FILIPINO SA MAKABAGONG PANAHON
(IKALAWANG EDISYON)

Ipinakikilala ng seryeng ito ang daan patungo sa mas maunlad na kakayahang komunikatibo, pagpapahalagang pampanitikan, at kritikal na pag-iisip—gamit ang wikang Filipino—bilang pagmumulat at paghahanda sa makabagong panahon.

  • Sinisiyasat ang pagkakakilanlan, kultura, at katangian ng mga Pilipino na mababakas sa iba’t ibang panitikan mula panahon ng katutubo hanggang kasalukuyang panahon
  • Sinusuri nang kritikal ang mga tampok na akda sa bawat baitang at iba pang uri ng tula at prosang pampanitikan
  • Pinalalalim ang pag-aaral ng wika at gramatikang Filipino, pag-unawa sa iba’t ibang natatanging panitikan ng lahi, at pagpapakilala sa mga kontemporaneong panitikan at panitikang popular
  • Higit na pinagyayaman ang kakayahan ng mga mag-aaral sa mabisang pakikinig, pagsasalita, pagbabasa, pagsusulat, at panonood ng mga tekstong Filipino
  • Nagbibigay ng ekstensibong kaalaman sa tulong ng iba’t ibang gawaing indibidwal, pangkatan, at angkop sa ika-21 siglo