Ang Ginintuang Gabay sa Pagpapakatao ay binuo ng mga may-akda upang makiisa sa layunin ng K to 12 Program ng Kagawaran ng Edukasyon na mabigyan ang mga mag-aaral ng mas maigting na pagsasabuhay ng kabutihang asal, tamang pag-uugali, pagpapasiya, pakikipagkapuwa, at angkop na pagkilos o paggalaw sa anumang yugto ng kanilang buhay. Nilalayon din ng aklat na ito na mahubog ang tamang kaisipan at mabuting ugnayan ng mga mag-aaral sa lahat ng nilalang at mapalalim ang kanilang pagmamamahal at pananampalataya sa Poong Maykapal.
Ginintuang Gabay sa Pagpapakatao Series, Junior High School
GININTUANG GABAY SA PAGPAPAKATAO 10
by Fr. Jaime Eustaquio E. Aggabao and Merlina M. Baguiwong †