Ang seryeng “Banaag” ay gumagabay sa mga mag-aaral na humusay sa kanilang kasanayan sa pagbasa at pagsulat gamit ang wikang Filipino upang sila ay maging handa at matatag sa hamon ng panahon
- Nagbabahagi ng ika-21 siglong kasanayan—na may kaugnayan sa katuturan, kalikasan,
katangian, wika, at panitikan—para ang mga mag-aaral ay maging progresibong mamamayan at
ganap na handa para sa hinaharap - Nagtatampok ng mga epektibong instrumento para sa paglinang ng mga makrong kasanayan
ng mga mag-aaral - Nagpapakilala ng mga panitikang magtuturo sa mga mag-aaral na gumamit ng wikang Filipino
sa pakikipagtalastasan, pagsasanay, at intelektuwalisadong pakikipag-ugnayan - Nakatutulong sa pagkakaroon ng pagpapahalaga at pag-unlad sa pagkatutong pangkabatiran,
pandamdamin, at pagkakaugnay ng kaisipan at kilos - Nagpapaunlad ng kasanayan sa pakikiisa at pakikipagtulungan sa pamamagitan ng mga kooperatibo at integratibong gawaing pampaaralan