Description
LIYAB 9
EKONOMIKS
(IKALAWANG EDISYON)
Tinatanglawan ng seryeng ito ang isip at pinaiinit ang pusong makabansa ng mga mag-aaral bilang isang Pilipinong mapagmatyag, mapanuri, responsable, at daluyan ng pag-asa at pag-unlad.
- Hinuhubog ang kakayahan sa pag-unawa at paggamit ng mga modelo at iba’t ibang siyentipikong pamamaraan upang masuri ang mga datos at mabatid ang mga kontemporaneong suliranin, isyu, at sitwasyong pang-ekonomiks
- Itinatampok ang paggamit ng kritikal na pag-iisip, pagsusuri, at pagpapahalagang panlipunan upang ang mga kaalaman sa ekonomiks ay mailapat sa mga usapin ukol sa likas-kayang pag-unlad at literasing pampinansiyal
- May layuning hubugin ang mga mag-aaral bilang mapanuri, mapanagutan, makatao, at produktibong mamamayan na may malasakit sa kapuwa, bansa at daigdig
