Liyab 8: Kasaysayan ng Asya at Daigdig

AUTHORS: Joevinil P. Moncal, Marbie Ann B. Simbahan, and Lexz P. Liberato
© 2025

Description

LIYAB 8
KASAYSAYAN NG ASYA AT DAIGDIG
(IKALAWANG EDISYON)

Tinatanglawan ng seryeng ito ang isip at pinaiinit ang pusong makabansa ng mga mag-aaral bilang isang Pilipinong mapagmatyag, mapanuri, responsable, at daluyan ng pag-asa at pag-unlad.

  • Sinisiyasat ang kasaysayan, kultura, tradisyon, heograpiya, politika, at ekonomiya ng daigdig bilang simula ng pag-unawa sa kasalukuyang lagay ng lipunan ng pitong kontinente
  • Naglalaman ng masusing pag-aaral sa daigdig na magpapaapoy ng diwang makabansa ng mga mag-aaral tungo sa kanilang kooperatibong pagtugon sa 17 Sustainable Development Goals ng United Nations
  • Pinalalalim ang pagpapakilala ng daigdig mula sinaunang kabihasnan hanggang kasalukuyan sa paraang madaling mauunawaan ng mga mag-aaral sa makabagong panahon
  • Higit pang pinagyayaman ang pagpapahalaga at kasanayan ng mga mag-aaral sa pagtataya sa mga usapin at isyung pandaigdig
  • Sinusubok ang kritikal na pag-iisip at kasanayang kolaboratibo ng mga mag-aaral sa mga inihandang gawain na tumatalakay sa mga kasalukuyang hamon ng daigdig, lalo na sa larangan ng politika at ekonomiya