Tinatanglawan ng seryeng ito ang isip at pinaiinit ang pusong makabansa ng mga mag-aaral bilang isang Pilipinong mapagmatyag, mapanuri, responsable, at daluyan ng pag-asa at pag-unlad.
- Sinisiyasat ang kasaysayan, kultura, tradisyon, at heograpiya ng Asya, partikular sa
timog-silangang rehiyon, bilang simula ng pag-unawa sa kasalukuyang lagay ng
lipunang Asyano at pag-aakda ng kontribusyon sa pandaigdigang konteksto - Naglalaman ng masusing pag-aaral sa Timog-Silangang Asya na magpapaapoy ng diwang makabansa ng mga mag-aaral tungo sa kanilang kooperatibong pagtugon sa 17 Sustainable Development Goals ng United Nations
- Pinalalalim ang pagtalakay sa mga nagdaang hamon ng rehiyon at naging solusyon sa mga ito upang makatulong sa pagresolba ng mga kasalukuyang hamon ng rehiyon
- Higit pang pinagyayaman ang diwang maka-Diyos, makatao, makakalikasan, at makabansa ng mga mag-aaral
- Sinusubok ang kritikal na pag-iisip at kasanayang kolaboratibo ng mga mag-aaral sa mga inihandang gawain na tumatalakay sa mga kasalukuyang hamon ng rehiyon