LIYAB 10: Kontemporaneong Isyu

AUTHORS: Marbie Ann B. Simbahan and Lexz P. Liberato
© 2025

Description

LIYAB 10
KONTEMPORANEONG ISYU
(IKALAWANG EDISYON)

Tinatanglawan ng seryeng ito ang isip at pinaiinit ang pusong makabansa ng mga mag-aaral bilang isang Pilipinong mapagmatyag, mapanuri, responsable, at daluyan ng pag-asa at pag-unlad.

  • Itinatampok ang kakayahan ng mag-aaral na maunawaan at pahalagahan ang mga kasalukuyang isyu at hamong pangkalikasan, pang-ekonomiya, pangkasarian, at pampagkamamamayan sa pambansa at pandaigdigang konteksto
  • Binibigyang-diin ang paggamit ng makabagong kasanayan tulad ng pagsusuri ng datos, paggamit ng iba’t ibang sanggunian, at epektibong komunikasyon bilang kasangkapan sa pag-unawa sa mga isyung panlipunan at pagbuo ng solusyon tungkol sa mga ito
  • May layuning linangin ang mga mag-aaral upang maging matalinong tagapagpasiya, mapagmalasakit sa kapuwa at kalikasan, at aktibong kalahok sa mga gawaing panlipunan tungo sa mapanagutang pagkamamamayan ng daigdig