Ipinakikilala ng seryeng ito ang daan patungo sa mas maunlad na kakayahang komunikatibo, pagpapahalagang pampanitikan, at kritikal na pag-iisip—gamit ang wikang Filipino—bilang pagmumulat at paghahanda sa makabagong panahon.
- Sinisiyasat ang pagkakakilanlan, kultura, at katangian ng mga Pilipino na mababakas sa
iba’t ibang panitikan mula panahon ng katutubo hanggang kasalukuyang panahon - Sinusuri nang kritikal ang mga tampok na akda sa bawat baitang at iba pang uri ng tula at prosang pampanitikan
- Pinalalalim ang pag-aaral ng wika at gramatikang Filipino, pag-unawa sa iba’t ibang natatanging
panitikan ng lahi, at pagpapakilala sa mga kontemporaneong panitikan at panitikang popular - Higit na pinagyayaman ang kakayahan ng mga mag-aaral sa mabisang pakikinig, pagsasalita,
pagbabasa, pagsusulat, at panonood ng mga tekstong Filipino - Nagbibigay ng ekstensibong kaalaman sa tulong ng iba’t ibang mga gawaing indibidwal,
pangkatan, at angkop sa ika-21 siglo