Banaag: Pagpapaunlad Ng Kaalaman Sa Wika at Panitikang Filipino (Ikalawang Edisyon) 5

AUTHOR-COORDINATOR: Kenneth G. Pabilonia
CO-AUTHORS: Melencio M. Fernando Jr. and Armelyn N. Barrera
© 2025

Description

BANAAG 5:
PAGPAPAUNLAD NG KAALAMAN SA WIKA AT PANITIKANG FILIPINO
(IKALAWANG EDISYON)

Ang seryeng ito ay gumagabay sa mga mag-aaral na mapaghusay ang kanilang kasanayan sa pagbasa at pagsulat gamit ang wikang Filipino upang sila ay maging handa at matatag sa hamon ng panahon.

  • Nagbabahagi ng ika-21 siglong kasanayan—na may kaugnayan sa katuturan, kalikasan, katangian, wika, at panitikan—para ang mga mag-aaral ay maging progresibong mamamayan at ganap na handa para sa hinaharap
  • Nagtatampok ng mga epektibong instrumento para sa paglinang ng mga makrong kasanayan ng mga mag-aaral
  • Nagpapakilala ng mga panitikang magtuturo sa mga mag-aaral na gumamit ng wikang Filipino sa pakikipagtalastasan, pagsasanay, at intelektuwal na pakikipag-ugnayan
  • Nakatutulong sa pagkakaroon ng pagpapahalaga at pag-unlad sa pagkatutong pangkabatiran, pandamdamin, at pagkakaugnay ng kaisipan at kilos
  • Nagpapaunlad ng kasanayan sa pakikiisa at pakikipagtulungan sa pamamagitan ng mga kooperatibo at integratibong gawaing pampaaralan