Ang seryeng ito ay naglalayong humubog ng holistikong Pilipino na mayroong ika-21 siglong kasanayan na hango sa iba’t ibang larangan (Kagalingang Pangkalusugan, Kasanayan, Sibika, at Sining at Kultura) tungo sa pagkakaroon ng matatag na pag-unawa at pagpapahalaga sa sarili at kultura.
- Nagbabahagi ng konsepto at pagkilala sa sarili bilang indibidwal na may kultura, kabuhayan, kapuwa, at komunidad
- Naglalaman ng mga pagsasanay na may layuning tumugon sa 17 Sustainable Development Goals ng United Nations
- Nagtatampok ng talakayang interaktibo na magpapalalim ng pag-unawa at pagkilala sa sarili, kapuwa, at komunidad
- Nakatutulong sa paghubog ng diwang maka-Diyos, makatao, makakalikasan, at makabansa
- Nakalilinang ng kamalayan at kasanayan sa sibika, musika, sining, kalusugan, lalo’t higit sa pagiging isang mabuti at mapagmahal na indibidwal, kapuwa, at mamamayan