Tinatanglawan ng seryeng ito ang isip at pinaiinit ang pusong makabansa ng mga mag-aaral bilang isang Pilipinong mapagmatyag, mapanuri, responsable, at daluyan ng pag-asa at pag-unlad.
- Sinisiyasat ang kasaysayan, kultura, tradisyon, heograpiya, politika, at ekonomiya ng daigdig bilang simula ng pag-unawa sa kasalukuyang lagay ng lipunan ng pitong kontinente at pag-aakda ng kontribusyon para makamit ang pagkakaroon ng isang nagkakaisang daigdig
- Naglalaman ng masusing pag-aaral sa daigdig na magpapaapoy ng diwang makabansa ng mga mag-aaral tungo sa kanilang kooperatibong pagtugon sa 17 Sustainable Development Goals ng United Nations
- Pinalalalim ang pagpapakilala ng daigdig mula sinaunang kabihasnan hanggang kasalukuyan sa paraang madaling
mauunawaan ng mga mag-aaral sa makabagong panahon - Higit pang pinagyayaman ang pagpapahalaga at kasanayan ng mga mag-aaral sa pagtataya sa mga usapin at isyung pandaigdig
- Sinusubok ang kritikal na pag-iisip at kasanayang kolaboratibo ng mga mag-aaral sa mga inihandang gawain na tumatalakay sa mga kasalukuyang hamon ng daigdig, lalo na sa larangan ng politika at ekonomiya